Nag-aalok ng libreng training ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa mga umuuwing overseas Filipino worker (OFW) mula sa Israel.

Sa pahayag ng TESDA, umabot na sa 62 ang nakauwing OFW na nabigyan na ng certificate of scholarship grant commitment.

Ito ay maaaring ipakita sa pinakamalapit na tanggapan ng TESDA upang makakuha ng pagsasanay para sa kanilang sarili o para sa kani-kanilang beneficiary.

Kasabay nito, hinimok ng TESDA ang mga repatriated OFW, gayundin ang kanilang dependents na magparehisto sa TESDA online upang mapadali ang pagpasok sa programa.