Inaasahang makararanas ng mga kalat-kalat na pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa ngayong Linggo, Nobyembre 5, bunsod ng shear line at easterlies, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa ulat ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, malaki pa rin ang tsansang makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Batanes at Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands dahil sa shear line o ang pagsasalubong na mainit at malamig na hangin sa ilang bahagi ng Northern Luzon.

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms din ang maaaring maranasan sa Palawan, Caraga at Davao Region dulot naman ng easterlies o ang mainit na hanging galing sa karagatang Pasipiko, ayon kay PAGASA Weather Specialist Daniel James Villamil.

Samantala, malaki umano ang tsansang makaranas ng medyo maulap hanggang sa maulap na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms ang Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa bunsod pa rin ng localized thunderstorms.

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Pinag-iingat din ng PAGASA ang mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.