Tila naimbyerna si Miss Grand International (MGI) founder Nawat Itsaragrisil banas kay Miss Universe Philippines 2014, actress at TV host MJ Lastimosa matapos umanong tanungin sa ">vlog ang transgender beauty queen na si Maki Gingoyon kung ano ang "worst" pageant para sa kaniya.

Nang sabihin ni Maki na "Miss Grand," parehong local at international, humagalpak sila ng tawa ni MJ bagay na ikinadismaya umano ni Nawat, nang makaabot sa kaniyang kaalaman ang video clips nito sa social media.

Ayon naman sa MGI founder, kabaligtaran ito sa engkuwentro niya noon kay MJ na madalas purihin ang kaniyang pageant dahil sa grand productions.

Sa huli, sinabi mismo ni Nawat na "friendship over" o pinuputol na niya ang pakikipagkaibigan kay MJ.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

"I think we are no more, our relationship between MJ and our organization and myself. Don't come to Miss Grand anymore, okay? We don't know each other from now [on]," aniya.

"I don't want to meet people like you. It's below standard. It's not sincere."

Mainit pa naman ang mata ng Filipino pageant fans ngayon kay Nawat matapos malaglag sa kompetisyon ang pambato ng Pilipinas na si Nikki de Moura na hindi man lamang umalagwa sa Top 20.

Sa kasalukuyan, wala pang title holder ng MGI mula sa Pilipinas, maliban kina Nicole Cordoves at Samantha Bernardo na parehong runners-up sa kanilang panahon.

Samantala, sa kaniyang Facebook post naman ay tila may reaksiyon na si MJ sa mga sinabi laban sa kaniya ni Nawat.

"May disclaimer naman yung show namin mare baka kelangan lang itranslate , pagod ang kumare nyo," caption niya.