Inilarawan ng GMA Public Affairs ang kanilang produced action-drama series na "Black Rider" bilang "teleseryeng salamin ng buhay" kaya kailangan itong panoorin ng lahat ng klase ng tao, sa world premiere nito sa Lunes, Nobyembre 6.

"Tigil muna sandali!"

"Oh 'yung tambay, nagtrabaho, naglako ng paninda, naghugas ng pinagkainan, mosang ng barangay at nakikinood sa kapitbahay, kahit ano pa ang iyong estado sa buhay, manood ka, ha?!"

"Ang teleseryeng ito ay para sa 'yo, sasalamin sa buhay mo!," mababasa sa caption ng promotional post nito sa GMA Public Affairs.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Makakatapat ito ng patok na seryeng "FPJ's Batang Quiapo" kaya naman nananabik na rin ang mga marites kung aling action-drama series ang pakatututukan ng mga manonood.

Ilang buwan na ring nangunguna sa Primetime ang Batang Quiapo kaya nakaabang na ang lahat kung kaya ba itong pataubin ni Ruru Madrid.

Anyway, ilan sa cast members ng serye ay dating kabilang sa "FPJ's Ang Probinsyano" gaya nina Raymart Santiago, Raymond Bagatsing, Roi Vinzon, at ang mismong leading lady noon ni Coco na si Yassi Pressman, na leading lady na ngayon ni Ruru.

Speaking of Ruru and Coco, sa mediacon ng bagong serye ay inamin ng una na nagkaharap sila ng huli sa isang event.

Nagbigay raw ng words of wisdom si Coco para kay Ruru.

Nabanggit din umano ni Coco na pinaghahandaan na nila ang show ni Ruru.

MAKI-BALITA: Ruru Madrid nakausap ang makakasalpukang si Coco Martin