Saludo ang social media personality na si Rendon Labador kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa pagtatalaga nito kay fishing tycoon Francisco Tiu Laurel Jr. bilang bagong kalihim ng Department of Agriculture (DA).

Matatandaang inanunsiyo ng pangulo ang tungkol sa bagay na ito sa isang press briefing sa Malacañang nitong Biyernes, Nobyembre 3.

MAKI-BALITA: PBBM, itinalaga si Laurel bilang bagong kalihim ng DA

“SALUDO KAY PBBM!!! Napakagandang desisyon yan💯” komento ni Rendon sa isang post ng Presidential Communication Office.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Dagdag pa niya: “Mabait at mapag kakatiwalaan si Francisco Tiu Laurel Jr! #LabLabLabador❤️”

Photo courtesy: Rendon Labador (FB)

Si Laurel umano ang may-ari ng Frabelle Fishing Corporation, isang seafood production company na nagsu-supply ng mga pagkaing-dagat sa mga lokal at internasyunal na merkado.

MAKI-BALITA: KILALANIN: Francisco Tiu Laurel Jr., ang bagong Agriculture chief

Matatandaang bago si Laurel, si Marcos ang pansamantalang nanungkulan sa posisyon bilang kalihim ng DA mula nang maupo siyang pangulo ng bansa noong nakaraang taon.

Samantala, tutol naman sa desisyong ito ni PBBM si House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro.

MAKI-BALITA: Castro, binatikos pagtalaga ni PBBM kay Laurel bilang bagong DA chief