Ang pagiging isang guro ay itinuturing na "noblest profession" subalit kung may extra mile pa sa pagganap ng tungkulin, talagang natatangi at kahanga-hanga ang nabanggit na "pangalawang magulang."

Pinusuan ng mga netizen ang Facebook post ng elementary teacher-class adviser na si "Rommel Quinsay" matapos niyang ibahagi ang ginawa niya sa kaniyang pupils, sa pagkuha nila ng exam.

Bukod sa may libreng lapis siya sa lahat, nagpamigay rin siya ng candy sa kanila upang hindi antukin sa pagkuha ng pagsusulit.

Ang nakatutuwa pa rito, ang pabalat ng candy ay may mga nakasulat na words of encouragement gaya ng "Dream On," "Success," "Reach for the Star," at iba pa.

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Teacher Rommel, nagtuturo sa Grade 3 sa Pamatawan Integrated School sa Subic, Zambales, bukod sa lapis at candy na may mensahe sa candy wrapper ay kumatha rin siya ng isang tula para sa kanila.

"Naisip ko ang pakulo na ito upang hindi kabahan ang aking mga mag-aaral, una binigyan ko sila ng lapis sa pamamagitan ng isang hugot lines Lapis ka ba? Kasi suwerte ka ngayong exam. Pagkatapos binigyan ko sila ng mga kendi na may nakasulat na mensahe gaya ng Start the day right, reach for the stars, nothing is impossible, dream on, do it now, yehey, carry on, success, be happy, take it easy, kaya mo yan, good vibes, choose positivity at maraming pang iba."

"Nang matanggap ng mga bata ang mga kendi mababanaag sa mukha nila ang kasiyahan at nawala na ang kaba nila sa exam. Sabay-sabay silang nag -hank you sa akin. Nakakataba ng puso sapagkat na appreciate nila ang ginawa ko sa kanila.

"Gumawa din ako ng tula para sa kanila na pinamagatang 'Ang aking mga anak sa Ikatlong Baitang,' lubos na natuwa ang kanilang mga magulang nang makita at mabasa nila ang post ko sa FB."

"Sabi pa ng isang nanay napakagaling ko daw sa mga teknik at pakulo sa mga bata kaya naman pinagbutihan daw ng kanilang mga anak sa Unang Markahang Pagsusulit."

Bukod dito, naitampok na rin si Teacher Rommel sa Balita dahil naman sa kaniyang "Reading Apparel" upang mahikayat ang mga mag-aaral sa pagbabasa.

MAKI-BALITA: ‘Reading Apparel’ ng elementary teacher, pinusuan ng mga netizen

Kudos, Teacher Rommel!

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!