Tila isang malaking pasabog ang binitawan ni Abegail Rait, ang lumantad na ex-lover umano ni Master Rapper Francis Magalona o “Francis M”, sa inilabas niyang 15-minute video sa kaniyang ">YouTube account nitong Biyernes, Nobyembre 3.

Matatandaang nauna na niyang ipinakiusap sa mga basher na huwag sana umanong idamay ang anak nila ni Kiko na si Gaile Francesca Rait sa mga pambabatikos.

MAKI-BALITA: Abegail Rait, nakiusap sa mga basher: ‘Wag naman po ‘yung anak ko’

Dahil kung tutuusin, wala naman umano siyang nilabag na batas sa Pilipinas.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Hindi ako maalam sa batas. Pero ang tanong ko po, ang hindi alam ng nakakarami na noong nagkarelasyon kami ni Kiko hanggang sa mamatay siya, alam ko ano ang estado ko sa buhay niya,” ani Abegail.

May tugon din siya para sa lahat ng nagtatanong kung nasaan umano siya noong mga panahong nagkasakit si Kiko.

“Buntis po ako noon. Nanganak. Naka-confine na siya noon. Nakabalik. 2 months na si Chesca then di na siya nakalabas pa. Araw-araw po ako ang kausap niya,” saad niya.

Bagama’t gusto umano niyang puntahan si Kiko noon sa ospital, ayaw naman niyang dagdagan pa ang bigat ng mga pangyayari.

Pero noong burol umano ni Kiko, naroon sila ni Chesca.

“Nasaan po ako noon burol niya? Tanungin n’yo po sila kasi lahat sila, alam nila kung sino kami ni Chesca. We were there.”

Kaya ang hiling ni Abegail, sana raw ay may maglakas-loob na magsabing wala na umano si Pia at Kiko nang dumating siya sa buhay ng lalaki.

Matatandaang may rebelasyon kamakailan ang concert producer ni Kiko na si Robby Tarroza tungkol umano sa relasyon nito kay Pia.

MAKI-BALITA: Rebelasyon ng concert producer: Pia, di kasal kay Francis M?

MAKI-BALITA: Francis M sumaya sa piling ng iba, di kaya ugali ni Pia — producer Robby Tarroza

“Dalaga po ako nang maging kami ni Kiko. Wala na po siya sa family residence nila for years and wala po akong na-violate na batas sa Pilipinas dahil single po ang marital status ng partner ko hanggang sa kinamatayan nya,” saad pa ni Abegail.

Sa huli, nakiusap siya sa mga basher na sana, alamin muna ng mga ito na ang buong kuwento ng mga pangyayari bago manira ng pagkatao.

Sa kasalukuyan, wala pa ring inilalabas na tugon, reaksiyon, o pahayag ang pamilya Magalona hinggil sa isyung ito.