Dinala sa ospital si dating Pangulong Rodrigo Duterte upang sumailalim sa X-ray matapos siyang madulas sa Davao, ayon kay Senador Bong Go.

Sa Facebook post ni Go nitong Sabado ng madaling araw, Nobyembre 4, ibinahagi niyang sinamahan niya si Duterte sa Davao Doctors Hospital nitong Biyernes, November 3, para magpa-check-up pagkatapos nitong aksidenteng madulas sa kuwarto ng kaniyang bahay sa Davao.

Ayon sa senador, wala naman umanong anumang kumplikasyon na nangyari sa dating pangulo mula sa aksidente, at nasa maayos na raw itong kalagayan matapos sumailalim sa X-ray.

“Salamat sa Diyos, ok naman ang X-ray ni Tatay Digong,” ani Go.

National

Ex-Pres. Duterte, inimbitahan na ng House Quad Comm hinggil sa pagdinig sa drug war

Kinuwento rin ng senador na sa kabila ng nangyari ay “game na game” pa rin daw ang dating pangulo sa pakikipag-picture sa ilang mga medical frontliner at staff sa ospital.

Samantala, sa kaparehong post ay nagpasalamat din si Go sa “lahat ng medical frontliners dahil sa kanilang serbisyo at sakripisyo lalo na noong panahon ng pandemya.”