Inaasahang magdudulot ng mga kalat-kalat na pag-ulan ang shear line sa malaking bahagi ng Northern Luzon ngayong Biyernes, Nobyembre 3, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, malaki ang tsansang magdala ang shear line ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Ilocos Norte, Apayao, Batanes, Cagayan, at Isabela.

Posible umano ang pagbaha o kaya nama'y pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan.

Malaki naman umano ang tsansang makaranas ng medyo maulap hanggang sa maulap na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms ang Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa bunsod ng localized thunderstorms.

National

Chinkee Tan, nagsalita sa isyung nakulong siya dahil sa crypto scam

Maaaring magkaroon ng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms, saad ng PAGASA.

Samantala, ayon din kay PAGASA Weather Specialist Aldczar Aurelio, humina na ang northeast monsoon o amihan kaya’t hindi na umano ito nakaaapekto sa alinmang bahagi ng bansa.

Wala rin umanong binabantayan ang PAGASA na bagong bagyo o low pressure area (LPA) sa loob at labas ng Philippine area of responsibility (PAR).