Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang fishing tycoon na si Francisco Tiu Laurel Jr. bilang bagong kalihim ng Department of Agriculture (DA).
Inanunsyo ito ng pangulo sa isang press briefing sa Malacañang nitong Biyernes, Nobyembre 3.
“We have found somebody who understands very well the problems that agriculture is facing,” pahayag ni Marcos.
Si Laurel umano ang may-ari ng Frabelle Fishing Corporation, isang seafood production company na nagsu-supply ng mga pagkaing-dagat sa mga lokal at internasyunal na merkado.
Matatandaan namang si Marcos ang pansamantalang nanungkulan bilang kalihim ng DA mula nang maupo siya bilang pangulo ng bansa noong nakaraang taon.