Isang magnitude 4.6 na lindol ang tumama sa Surigao del Norte nitong Biyernes ng madaling araw, Nobyembre 3, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 1:12 ng madaling araw.
Namataan ang epicenter nito 23 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Burgos, Surigao del Norte, na may lalim na 17 kilometro.
Naitala ang Instrumental Intensity I sa Surigao City.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.