Ibinahagi ng showbiz columnist na si Lolit Solis ang kasalukuyang kalagayan ng kalusugan niya sa kaniyang Instagram account nitong Biyernes, Nobyembre 3. 

“Salve naloka ako dahil talagang hindi ko matanggap na 2 Christmas na ako nagda dialysis. Lucky me na nagagawa ko parin trabaho ko at hindi naman masyado nabago buhay ko except at times na medyo naiinis na ako at natatamad na sa medical procedures,” ani Lolit sa caption ng kaniyang post.

Umaasa rin umano siya na sana ay hindi mawala ang motivation niya sa paulit-ulit na pagpunta sa ospital.

Saka hoping na lang ako na hindi mawala iyon motivation ko pag pumupunta sa hospital. I don't want to give up pero parang pagod na katawan ko. Siyempre 77 na ako at hindi na kasing energetic ng dati katawan ko. Talagang ang hirap ng reality na kailangan mo magpunta sa hospital para sa 4 na oras na pag upo sa dialysis chair,” sabi niya.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Kaya bilang pampalubag-loob, iniisip na lang umano ni Lolit na masuwerte pa rin umano siya na may mga tao na tumutulong sa kaniya para makapagpa-dialysis siya.

Matatandaang kamakailan ay binanggit niya na tinulungan umano siya nina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., Senator Bong Revilla, Jr., at iba pa, matapos niyang maospital nang sampung araw.

MAKI-BALITA: Lolit Solis, na-ospital; PBBM, Sen. Bong, atbp to the rescue

Bagama’t hindi na niya idinetalye pa kung ano ang naging dahilan kung bakit siya naospital nang ganoon katagal, matatandaan na noong nakaraang taon ay humingi siya ng panalangin para sa mabilis niyang paggaling.

MAKI-BALITA: Manay Lolit Solis sa kaniyang followers: ‘Pray for my recovery, ang hirap ng may sakit’

Kaya dasal ni Lolit, huwag sana siyang magsawa sa pagpapa-dialysis.