Matapos italaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Francisco Tiu Laurel Jr. bilang full-time Department of Agriculture (DA) secretary, inihayag ni House Minority Leader at 4Ps Party-list Rep. Marcelino Libanan na dapat magkaroon na rin umano ng full-time na kalihim ang Department of Migrant Workers (DMW).

Sa isang pahayag nitong Biyernes, Nobyembre 3, sinabi ni Libanan na magandang balita ang naging pagkakatalaga kay Laurel bilang bagong DA chief.

“The President’s decision to finally relinquish the post of agriculture secretary is most welcome, as he can now concentrate wholly on his job as chief executive,” ani Libanan.

PBBM, itinalaga si Laurel bilang bagong kalihim ng DA

Kaugnay nito, sinabi ng mambabatas na dapat magkaroon na rin agad ng full-time secretary ang DMW sa gitna ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Israel at Palestinian militant group na Hamas.

“We would also urge the President to name a new migrant workers secretary right away, considering that the ongoing war between Israel and Hamas might escalate and put more Filipino workers in harm’s way,” saad ni Libanan.

Matatandaang naging bakante ang posisyon ng kalihim ng DMW nang pumanaw si Susan ‘Toots’ Ople dahil sa karamdaman noong Agosto 22, 2023.

https://balita.net.ph/2023/08/22/dmw-secretary-susan-toots-ople-pumanaw-na/

Sa ngayon ay pinamumunuan ang DMW ni Hans Leo Cacdac bilang officer-in-charge.