Inanunsiyo ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia nitong Biyernes ang opisyal na pagtatapos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa bansa, na idinaos noong Oktubre 30.

Ito’y matapos na makumpleto na ang pagpu-proklama ng mga nanalong kandidato sa halalan, kabilang na ang mga nag-tie ng boto.

“Happy to inform that we are 100 percent done with the elections. Had just resolved the last tie,” ani Garcia, sa mensahe sa Viber, na ang tinutukoy ay ang ulat ni Regional Elections Director (RED) lawyer Dennis Ausan.

Una na rin namang inanunsiyo ni Garcia na 100% nilang natapos ang botohan at canvassing sa buong bansa.

Wala rin aniya silang failure of elections na naitala.

Idineklara rin niyang bagamat hindi naging perpekto, ay tagumpay naman ang idinaos na halalan.