Suspendido muna ang proklamasyon ng 92 kandidatong nanalo sa katatapos na 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), bunsod na rin ng mga petisyong kinakaharap nila sa Commission on Elections (Comelec).

Batay sa datos ng Comelec, mula sa dating 79 lamang noong Martes, ay nasa 92 na ang bilang ng mga nanalong kandidatong hindi pa maaaring iproklama hanggang nitong Huwebes, Nobyembre 2.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Alinsunod na rin ito sa resolusyong ipinasa ng Comelec noong Oktubre 24, na nagpapahintulot sa suspensiyon ng proklamasyon ng mga BSKE winners, na nahaharap sa iba’t ibang uri ng petisyon, kabilang na ang petition to deny due course; petition to declare a nuisance candidate, at petition for disqualification.

Nabatid na ang naturang mga winning candidates ay kabilang sa 253 BSKE candidates na una nang ipinag-utos ng Comelec na suspindihin ang proklamasyon matapos na sampahan ng petisyon sa poll body.

Sa naturang bilang, 92 lamang ang nanalo habang natalo naman ang 106 iba pa.