Pinayuhan ni Manila Mayor Honey Lacuna ang mga Manilenyo na maagang magbayad ng kanilang real property tax upang makapag-avail sila ng discounts na iniaalok ng pamahalaang lungsod.

Nabatid nitong Huwebes na inatasan na ng alkalde si City Treasurer Jasmin Talegon na bumuo ng iskedyul ng discounts para sa Real Property Tax para sa tax year 2024.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Ayon kay Lacuna, ang mga taxpayers na mag-a-advance payments hanggang sa Disyembre 10, 2023 ay makakakuha ng 20% discount habang ang mga taxpayer naman na magbabayad mula Disyembre 11 hanggang 29 ay kuwalipikadong makatanggap ng 15% discount.

Samantala, ang mga taxpayer na magbabayad naman ng Enero 1 hanggang 31, 2024 ay makakakuha pa rin naman ng 10% diskwento.

“Real property owners in Manila are advised to take advantage of the said discounts on this tax obligation," payo pa ni Lacuna.

Paglilinaw naman ng alkalde, ang mga accounts lamang na walang delinquencies o hindi delingkwente, ang kuwalipikado para sa iniaalok na discount ng lokal na pamahalaan.

Nabatid na para sa updated accounts, ang payments ay maaari nilang isagawa online sa pamamagitan ng Go Manila app o sa http://www.gomanila.com.

Ang mga may delinquent accounts naman ay maaaring magbayad ng over-the-counter transactions sa E-BOSS center sa Manila City Hall.