Isang magnitude 4.7 na lindol ang muling nagpayanig sa probinsya ng Eastern Samar nitong Huwebes ng hapon, Nobyembre 2, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:28 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 31 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hernani, Eastern Samar, na may lalim na 11 kilometro.

Namataan ang Instrumental Intensity I sa Quinapondan, Eastern Samar at Abuyog, Leyte.

National

Chinkee Tan, nagsalita sa isyung nakulong siya dahil sa crypto scam

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.

Matatandaang dakong 2:50 ng hapon nito ring Huwebes nang yanigin ng magnitude 5.6 na lindol ang Hernani, Eastern Samar.

Unang itinaas ng Phivolcs ang naturang pagyanig sa magnitude 6.1.

Kaugnay nito, inihayag naman ng ahensya na walang banta ng tsunami sa Pilipinas mula sa naturang lindol.