Ibinahagi ni "Badjao Girl" na si Rita Gaviola na engaged na sila ng kaniyang non-showbiz boyfriend na si Jeric Ong, ang ama ng kaniyang anak.

Flinex at ipinamalita ni Rita ang tungkol dito matapos niyang i-post ang larawan nila ni Jeric, na nakaluhod sa harapan niya at hawak ang kaniyang kanang kamay.

Hawak naman ni Jeric ang isang maliit na pulang kahon kung saan nakapaloob ang engagement ring.

"This is it 💍👰‍♀️," mababasa sa caption ng kaniyang Instagram post.

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

Nagpaabot naman ng pagbati sa kaniya ang mga netizen.

Kamakailan lamang ay naiyak si Rita nang sabihan siya ng bashers na magbalik na lamang siya pamamalimos sa kalsada kaysa mag-online selling.