Sa isang bata, paraiso ang magkaroon ng kalaro. Lalo na kung bagong dayo sa isang lugar. Mabilis na mapapawi ang pagkainip kung gayon. O ang kalungkutang dulot ng pag-iisa; ng pakiramdam na parang hangin ka lang. Oo, umiiral at nadadama. Ang kaso, hindi totoong nakikita.

Pero paano kung ibang nilalang pala ang mga kalaro mo? Iyong malayo sa pamantayan ng normal at karaniwan? Iyong may taglay na kapangyarihan? Iyong dudukutin ka para dalhin sa mundong hindi mo naman kinasanayan?

Gaya ng kuwentong ibinahagi ni Gee Varona sa isang Facebook online community.

“This another experience I had sa isang bahay na tinirhan namin way back 1997-99 sa isang subdivision sa Jaro, Iloilo City. I was grade 2 at that time and I lived there with my mom, my grandparents, and my mom's younger brother.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“The house have been abandoned for almost 5 years since the owner went to the US along with her family and walang mapag-iwanan ng bahay. So ‘yung brother ng mom ko had this nurse GF and BFF niya ‘yung anak ng owner. They made a deal na kami na lang ang titira for free given na kami na magpapaayos ng mga damages at ma-maintain na rin ang kaayusan ng bahay.

“After a week of sealing the deal, nag-start na sina Mama maglinis at mag-repair. Naka-gain ako agad ng new friends kasi madaming bata sa street namin. Pero hindi talaga maiiwasan sa isang grupo na mayroong takes taklesa at prangka kahit bata pa lang. Hahaha. 

“So ito nga. Sabi ng new friend kong girl, haunted daw ‘yung bahay kasi kahit putol na raw ‘yung electricity eh umaandar mag-isa ang organ nila sa loob. Putol na rin umano ang linya ng telephone pero nagri-ring pa rin ang landline. And minsan daw may mahahagip silang parang shadow ng tao sa frosted na bintana overlooking sa street. Ikinuwento ko ‘yun kina Mama pero they just laughed it off.

“Noong nakalipat na kami, the first few months were fine. Mabilis kaming naka-adjust sa place, lalo na it's very near sa school ko and sa office ni mama, like 5 to 10 mins away lang. Nag-enjoy din ako sa attention na ibinibigay sa akin ng mga new friends ko. 

“Madaling napamahal sa akin ang bahay kasi sa backyard nito, maraming fruit bearing trees from guyabano, indian mango, chico, and kamias (my favorite!). Nakaugalian ko na na after I come home from school sa hapon, punta ako agad sa likod para mamitas ng kamias. Minsan kahit gabi na nagpapasama ako sa lola o lolo ko manguha n’on. 

“But as time passed, may something na akong nape-feel, most especially sa hapon na kami lang ng grandparents ko sa bahay (si Mama at kapatid niya nasa work pa. school bus lang ‘yung hatid-sundo sa akin sa bahay).

“My daily routine was mamitas sa likod, mag-cr, then upo na sa harap ng TV until dumating sina Mama. The first time I felt it, may nakita akong silhouette na nag-reflect sa TV namin and nakatayo sa likod ko, which is quite impossible kasi yung sofa na inuupuan ko, may konting space lang then door na ng room ng tito ko. So not anyone can stand behind me unless galing sa loob ng room niya and wala naman akong narinig na nagbukas ng pinto niya. Pero nawala din naman bigla so no biggie.

“Then after that incident, ‘pag magsi-cr ako, palaging may naga-attempt mag-twist ng door knob pero I know hindi ‘yung grandparents ko kasi if naka-lock ang pinto, matic sisigaw ‘yun na bilisan ko na raw. Pero palakas nang palakas ang pag-twist at pag-shake ng doorknob and doon na ako natakot at napasigaw kay Lola, and tumigil din bigla.

“There's also the time na doon nag-overnight ‘yung youngest nina Mama with her daughter. So, si Tito sa folding bed natulog sa sala. Nagulantang na lang kami noong madaling araw dahil sa sigaw ni Tito. 

“Paglabas namin ng room, nakita namin siyang dripping wet na nakaupo sa folding bed. Parang binuhusan talaga ng isang baldeng tubig. Sabi nga nila, baka nakainom at naligo si Tito and nakalimutan niya lang pero mahimbing daw tulog niya. 

“Nag-usap-usap na sina Mama na ipa-bless ‘yung bahay. Pero parang na busy sila and hindi na napag-usapan ulit.

“And I think what happened to me the next was the cherry on top coz dito na parang nataranta silang lahat. 

“So that afternoon, after ko ilapag ang school bag ko, takbo agad ako sa likod. However, I think I ventured too far sa backyard kasi may nakita akong bagong puno ng kamias sa pinakadulo ng lot namin, dikit na sa pader ng malaking bahay sa likod. Sobrang daming bunga and isang bilao yata ‘yung napitas ko then pumasok na ko sa kwarto.

“By the way, ‘yung kwarto po pala namin ni mama, for some unknown reason, may window siya na frosted ang glass and if naka-open, connected siya sa kitchen. Pero we never opened it. So pagpasok ko ng room namin, agad kong napansin ‘yung shadows sa window na parang 5 dark figures wearing veils. Magkakaiba din ‘yung tangkad nila and my first thought was baka nilipat nina Lolo ‘yung mesa namin sa kitchen at ‘yung shadows na ‘yun came from the thermos, the dish rack or something. 

“Lumabas ako para silipin ‘yung mesa pero nakadikit ito sa other side ng kitchen and wala namang tao na nakatayo sa bintana. Pagbalik ko ng room, nandoon pa rin ‘yung mga shadow and I then realised na parang mga bata na mahahaba ang buhok. Nakatayo lang sila doon. Parang nakatingin sa akin sa loob ng room. 

“Noong ikinuwento ko kay Lola, nataranta siya. Sabi niya, malamang mga engkanto ‘yun na sumunod sa akin mula sa likod bahay. ‘Pag hindi raw naagapan, kukunin daw ako ng mga ito.

“The following day, pina-bless nila agad ang bahay. Since then, hindi na naulit ‘yung mga na-experience namin doon. Kaso hindi rin kami nagtagal kasi may nag-offer na bumili ng house.

“I'm still curious though if nabili nga kasi marami pa sana akong unfinished business sa mga fruits dun. 😅”

Sa eksklusibong panayam ng Balita, inamin ni Gee na hindi umano ito ang unang beses niyang nakaranas ng kababalaghan.

“Marami pa po akong stories na gustong i-share before the ‘Playmates’ timeline. I hope I can share them soon,” aniya.

At mula sa karanasang ito, napagtanto umano ni Gee na higit palang nakakatakot ang mga engkanto kaysa mga tipikal na multo.

“They have the power kasi na kunin ka, hence, my family's fear noong nalaman nila. But generally speaking, kahit anoman sila, need natin mag-pay ng respects kasi they have every right din in this world gaya natin,” saad pa niya.

Sa mga katutubong paniniwala, sinasabi na kung sakali mang dalhin ang isang tao sa mundo ng mga engkanto, huwag na huwag daw kakain ng pagkaing ihahain nila dahil baka tuluyan na talagang hindi na ito makabalik pa sa mundong pinanggalingan.

Disclaimer: Bagama’t ang kuwentong ito ay inaako ng may-akda na mula sa tunay na pangyayari, hindi maaaring kumpirmahin o itanggi ng Balita ang katotohanan sa mga detalye at impormasyong nakasaad dito.