Pinag-iingat ng Department of Migrant Workers (DMW) ang publiko laban sa mga tiwaling indibidwal na nagpapakilalang empleyado nila upang makapanloko.
Sa inilabas na abiso nitong Martes, sinabi ng DMW na nakatanggap sila ng impormasyon na may ilang indibidwal ang nagpapanggap na kawani nila upang makapang-recruit ng tao para magtrabaho sa abroad.
Ayon sa DMW, pawang peke at hindi nila totoong empleyado ang mga ito.
“BABALA sa publiko sa pagkalat ng mga indibidwal na nagpapanggap na taga-DMW upang makapanloko at mag-recruit para sa trabaho abroad. PEKE ang mga ito. HINDI NAMIN SILA EMPLEYADO,” pahayag pa ng DMW.
Dagdag pa nito, “Mag-ingat sa sinumang magpapakilala na sila ay taga-DMW at mag-rerecruit ng trabaho pa-abroad - SCAM po yan.”
Kaugnay nito, hinikayat din naman ng DMW ang sinuman ang nakakita o nakakakilala sa mga naturang tiwaling indibidwal na kaagad isumbong sa kinauukulang o sa kanilang tanggapan.
“Kung nakikilala nyo po ang mga nasa larawan paki-report po ito sa sa e-mail na [email protected] o maaari rin pong i-PM nyo dito sa FB upang matulungan namin kayo,” anang DMW.