Binigyang-diin ng isang obispo ng Simbahang Katolika nitong Martes na ang pagsusuot ng nakakatakot ay hindi kaugalian ng mga Kristiyano sa paggunita ng All Saints’ Day.

Kaugnay nito, pinaaalalahanan ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mga mananampalataya na gunitain ang All Saints’ Day sa angkop na pamamaraan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon kay Pabillo, sa halip na magsuot ng nakakatakot na mga kasuotan o costume para ipagdiwang ang Halloween, dapat na ilaan ang panahon ng Undas para parangalan ang mga banal ng simbahan.

Pinayuhan rin niya ang mga Katoliko na sa halip na nakakatakot na kasuotan, ay magdamit gaya ng isang santo at gayahin at isabuhay ang mga halimbawang itinuturo ng mga ito.

“Ang halloween ay hindi selebrasyon ng katatakutan. Dress like saints and emulate them. Isabuhay natin ang kanilang mga halimbawa, yan ang tunay na pagdiriwang sa All Saints’ Day,” pahayag pa ni Bishop Pabillo sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Matatandang mariing kinondena ng pamayanang Kristiyano ang pagsusuot noon ni Pura Luka Vega ng kasuotan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno sa isang party habang inaawit ang Ama Namin.

Sinabi ni Pabillo na bilang binyagan nawa’y higit maunawaan ang mga banal na pagdiriwang ng All Saints’ at All Souls’ Day, na dapat ay araw ng mga panalangin para sa mga namayapa.

“Tulad ng pag-alala natin sa mga banal, sa All Souls’ Day naman alalahanin natin ang ating mga yumaong kaanak, ipagdasal natin ang kanilang kaluluwa. Dapat magtipon ang mga pamilya para gunitain ang mga masayang alaala ng kanilang namayapang mahal sa buhay,” giit ni Bishop Pabillo.

Paalala pa niya, sa pagdalaw sa mga sementeryo ay dapat na iwasan ang pagkakaroon ng mga kasiyahan, sa halip ay taimtim na manalangin para sa mga nakahimlay.

Una na ring naglabas ng kopya ng panalangin ang mga diyosesis na magagamit ng mga pamilya sa pagdalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Matatandaang tagubilin ni Cebu Archbishop Jose Palma na mahigpit na sundin ang mga panuntunan sa pagdalaw sa mga sementeryo upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa paggunita ng Undas ngayong taon.