Bago tuluyang matapos ang Oktubre, tumaya na sa tatlong lotto games na may tumataginting na minimum jackpot prize na ₱89 milyon!
Sa kalatas na inilabas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes, Oktubre 31, papalo sa minimum jackpot prize na ₱89 milyon ang Lotto 6/42, Super Lotto 6/49, at Ultra Lotto 6/58 ngayong Tuesday draw.
"Gaya ng aming pangako ngayong pagdiriwang ng 89-taong anibersayo ng PCSO, Php89 Million na ang minimum Jackpot Prize ng lahat Jackpot Bearing Games sa PCSO,” saad ng ahensya.
“Makicelebrate na at manalo. Sugod na sa mga lotto outlets at bumili na ng mga tickets ninyo,” dagdag pa nito.
Nauna na ring sinabi ng PCSO na sa halagang ₱20 ay puwede nang maging instant milyonaryo.