Lumabas sa survey ng big data research firm na “Tangere” na ang Philippine Statistics Authority (PSA) ang ahensya ng gobyerno na nakatanggap ng pinakamataas na trust at approval ratings nitong Oktubre 2023.

Sa inilabas na resulta ng survey ng Tangere, nakatanggap umano ang PSA ng 84% na trust rating at 77% na approval rating.

Samantala, pumangalawa naman umano sa PSA ang mga ahensya ng gobyerno na Department of Education, Armed Forces of the Philippines, at Bangko Sentral ng Pilipinas na kapwa nakatanggap ng 80% trust rating at 74% approval rating.

Narito naman ang mga natanggap na trust at approval ratings ng mga sumusunod na ahensya ng gobyerno, base sa survey ng Tangere:

Pinaos pa: Bayad ng UniTeam kay Andrew E, sinayang lang daw—Guanzon

  • Department of Social Welfare and Development (77% trust rating; 72% approval rating)
  • Department of Health (76% trust rating; 71% approval rating)
  • Department of Labor and Employment (76% trust rating; 70% approval rating)
  • Department of Foreign Affairs (73% trust rating; 68% approval rating)
  • Department of Tourism (73% trust rating; 67% approval rating)
  • Department of the Interior and Local Government (69% trust rating; 65% approval rating)
  • Department of Agrarian Reform (64% trust rating; 61% approval rating)
  • Philippine National Police (63% trust rating; 57% approval rating)
  • Department of Public Works and Highways (62% trust rating; 60% approval rating)
  • Movie and Television Review and Classification Board (61% trust rating; 57% approval rating)
  • Department of Justice (61% trust rating; 57% approval rating).

Isinagawa umano ang naturang survey mula noong Oktubre 4 hanggang Oktubre 6, 2023.