Tila “unreachable” umano si Queen of Pop Madonna pagdating sa music sales matapos niyang i-renew ang kaniyang record-breaking status bilang “the biggest-selling female recording artist of all time,” ayon sa Guinness World Records (GWR).

Sa ulat ng GWR, binanggit nito ang isang panayam ng The Tonight Show kay Madonna, 65, noong nakaraang taon, kung saan sinabi ng Queen of Pop na nakabenta raw siya ng mahigit sa 400 million records– albums, singles at digital – sa gitna ng kaniyang career.

“While precise sales figures are difficult to obtain, it’s widely acknowledged that only The Beatles, Elvis Presley and Michael Jackson have sold more records worldwide, making Madonna the best-selling female singer,” anang GWR.

“Even more impressively, she’s held this record since 2009, with no one else coming close to beating her,” dagdag pa nito.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Kasama rin naman umano sa “top five biggest-selling female recording artist of all time” sina Rihanna, Mariah Carey, Taylor Swift at Beyoncé.

Samantala, inihayag din ng GWR na si Madonna rin umano ang “highest-grossing female touring artist,” kung saan nagkaroon siya ng box-office gross na $1,389,746,222 mula sa kaniyang tours noong Hulyo 2022.

“She’s ranked fifth overall, behind The Rolling Stones, U2, Elton John and Bruce Springsteen, but of course, her figure will soon increase thanks to her latest outing,” saad din ng GWR.

Bukod dito, hinirang din umano bilang “highest-grossing music tour by a female artist” ang “Sticky & Sweet” tour ni Madonna noong 2008 hanggang 2009 matapos itong kumita ng $411 million.