Nakapuwesto na ang apat na karagdagang flag stops ng Philippine National Railways (PNR) para sa Undas 2023.

Sa abiso ng PNR nitong Lunes, nabatid na simula ngayong Martes, Oktubre 31, ay titigil na rin ang PNR trains sa Hermosa flag stop, sa pagitan ng 5th Avenue at Solis upang magsakay at magbaba ng mga pasahero.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Magkakaroon na rin anila ng Espeleta flag stop, sa pagitan ng Sucat at Alabang.

Ayon pa sa PNR, magkakaroon din ng Santa Ana flag stop, sa pagitan naman ng San Pablo at Tiaong, at maging ng Candelaria Crossing flag stop, sa pagitan naman ng Tiaong at Candelaria.

Kaagad namang nilinaw ng PNR na ang naturang apat na bagong flag stops ng PNR ay para lamang sa Undas 2023.

Anang PNR, “Magsasakay at magbababa po ito ng mga pasahero mula October 31 hanggang sa November 2, 2023 lamang.”

Kaugnay nito, pinayuhan din naman ng PNR ang publiko na bisitahin ang kanilang mga social media accounts para sa iba pang impormasyon, anunsyo, at schedule ng biyahe ng kanilang mga tren.