Magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa Martes, Oktubre 31.

Sa pagtaya ng kumpanyang UniOil, mula ₱1 hanggang ₱1.20 ang ibabawas sa presyo ng kada litro ng diesel habang inaasahan namang tataas ng mula ₱0.40 hanggang ₱0.60 ang presyo ng kada litro ng gasolina.

Nauna nang inihayag ng Oil Management Bureau ng Department of Energy (DOE) na asahan din ang rollback sa presyo ng kerosene.

Posible ring tumaas ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa unang araw ng Nobyembre.