Naglabas ng pahayag ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) hinggil sa mga post sa social media na nagsasabing ipinatawag ng Board ang isang “kilalang personalidad” na lumabas kamakailan sa isang patalastas ng isang fast-food chain.

Sa pahayag ng MTRCB nitong Linggo, Oktubre 29, mariin nitong iginiit na “walang katotohanan” at “fake news” umano ang naturang mga post.

“Ang mga paratang na ito ay may masamang hangarin at walang katotohanan,” pagbibigay-diin ng MTRCB.

“Sa panahon ng digital age, mahalaga na tiyakin kung tunay ang mga balita at maging mapanuri sa iba’t ibang sources ng impormasyon bago ito ipamahagi. Ipinapakita ng insidenteng ito ang kahalagahan ng Media literacy at Kritikal na pag-iisip,” saad pa nito.

National

PBBM, hindi raw imbitado sa inagurasyon ni US President-elect Trump?

Sinabi rin ng ahensya na patuloy raw silang sumusuporta sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at sa Presidential Communications Office (PCO) sa kampanya nito laban sa disinformation at misinformation.

“Naniniwala kami na dapat nang wakasan ang Fake News at hayaan na ang katotohanan ang maghari,” saad ng ahensya.

Bagama’t hindi pinangalanan ng MTRCB ang naturang personalidad, naging usap-usapan kamakailan ang mga post sa social media na nagsasabing pinatawag daw ng ahensya si “It’s Showtime” host at Unkabogable Star Vice Ganda dahil sa paraan umano ng pagkain nito ng manok nang makaraang lumabas ito sa isang patalastas ng fast-food chain ng McDonald's.

Matatandaang pinatawan kamakailan ng MTRCB ang “It’s Showtime” ng 12 airing days suspension dahil sa mga natanggap daw nilang reklamo kaugnay sa pagkain nina Vice at Ion Perez ng icing ng cake sa segment na “Isip Bata” noong Hulyo.

https://balita.net.ph/2023/09/04/its-showtime-sinuspinde-ng-12-airing-days-ng-mtrcb/?fbclid=IwAR3MGICdPIvkSgP1fc_5f95_Kxh9leqsM2UdWdRxOsbr1UGwUZgGj3Nti1o

Samantala, nakabalik na rin ang noontime show sa telebisyon nitong Sabado, Oktubre 28, matapos ang naturang suspensyon.