Paalala ng MMDA, ang bus lane ay laan lamang sa mga emergency vehicles katulad ng ambulansya at iba pang marked vehicle ng pamahalaan na tumutugon sa mga emergency.
Kamakailan, nagpulong ang mga opisyal ang MMDA at napagkasunduang itaas ang multa ng mga motoristang dumadaan sa bus lane.
First Offense – ₱5,000
Second Offense – ₱10,000 plus one month suspension ng driver’s license, at sasailalim pa sa road safety seminar
Third Offense ₱20,000 plus one year suspension ng driver’s license
Fourth Offense – ₱30,000 plus recommendation sa Land Transportation Office para sa revocation ng driver’s license