Mahigit sa 2,100 motorista ang hinuli matapos dumaan sa EDSA Bus Carousel Lane.
Sa pahayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang mga lumabag sa "exclusive bus carousel lane" ay hinuli simula Hulyo hanggang Setyembre 2023.
Sinabi ni MMDA Director for Traffic Enforcement Group Victor Nuñez, pinag-aaralan pa nilang ipatupad ang mas mataas na multa sa mga pasaway sa EDSA bus lane.
Sa kasalukuyan, nasa â±1,000 ang multa ng mga motoristang dumadaan sa naturang lane.
Metro
Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!
Paalala ng MMDA, ang bus lane ay laan lamang sa mga emergency vehicles katulad ng ambulansya at iba pang marked vehicle ng pamahalaan na tumutugon sa mga emergency.
Kamakailan, nagpulong ang mga opisyal ang MMDA at napagkasunduang itaas ang multa ng mga motoristang dumadaan sa bus lane.
Sa ilalim ng MMDA Regulation No. 23-002, itinakda ang mas mataas na multa: First Offense â â±5,000
Second Offense â â±10,000 plus one month suspension ng driverâs license, at sasailalim pa sa road safety seminar
Third Offense â±20,000 plus one year suspension ng driverâs license
Fourth Offense â â±30,000 plus recommendation sa Land Transportation Office para sa revocation ng driverâs license