Tampok sina Star for All Seasons Vilma Santos-Recto at Superstar Nora Aunor sa usapan nina Cristy Fermin, Wendell Alvarez, at Romel Chika sa isang episode kamakailan ng “">Showbiz Now Na”.

Nagkaroon kasi ng pelikula ang dalawang magkaribal na bituin ng kanilang panahon pero ang nakapasok lang umano para sa Metro Manila Film Festival 2023 ay ang “When I Met You In Tokyo” ni Vilma.

MAKI-BALITA: Nadine Lustre, Nora Aunor atbp., inisnab sa MMFF 2023?

Kaya reklamo ng mga Noranians ayon kay Romel: “Bakit daw hindi nakapasok si Nora? Sayang daw ang bangayan at banggaan ulit sa takilya.”

National

Bagong kurikulum ng DepEd, ipatutupad sa S.Y. 2025-2026

Pero sabi naman ni Cristy, marami umanong nagsasabing hindi magkakatotoo ang “banggaan sa takilya” dahil wala raw si Nora ng tinatawag na “commercial viability”.

Maski noong kapanahunan ng dalawa, mapapansin na si Nora ay hakot awards samantalang si Vilma ang nagiging box office queen.

“Maraming pelikula na po niya ang ginawa na napakasaklap po ng kinahinatnan sa takilya,” sabi pa ng showbiz columnist.

Kaya pahabol niya sa mga Noranians: “Okay lang na ipagtanggol n’yo ang inyong idolo. Walang problema doon. Dapat lang. Dahil binuo niya ang inyong kabataan; ang inyong buhay. Pero sana ang pagsuporta mula noon hanggang ngayon, pareho pa rin.”

Sana rin daw, sabi pa ni Wendell, ‘wag lang salita nang salita ang mga Noranians. ‘Pag may pelikula si Nora, suportahan. Gaya ng ginagawa ng mga fans ni Vilma na nagkakaisa sa layuning suportahan ang Star for All Seasons.

Anyway, hindi man nakapasok ang “Pieta” ni Nora sa MMFF 2023, hindi naman umano nangangahulugang katapusan na ng mundo para sa kaniya. Tiyak na magkakaroon pa umano ng pagkakataon para patunayan niya sa madla kung sino siya bilang aktres.