Isang pinaghihinalaang miyembro ng terrorist group na Dawla Islamiya ang nasawi matapos masabugan ng dala-dalang improvised explosive device (IED) sa Maguindanao del Sur nitong Linggo ng umaga.
Sa pahayag ni Philippine Army-601st Infantry Brigade (IB) spokesperson, Maj. Saber Balogan, isang commander Pagadian ang biktima ng nasabing pagsabog.
Sa paunang report, ang insidente ay naganap sa Barangay Sambulawan, Datu Salibo dakong 7:30 ng umaga.
Dala-dala ni Pagadian ang naturang bomba nang bigla itong sumabog.
Walang nadamay na sibilyan sa pagsabog, ayon kay Balogan.
Probinsya
Lalaking umiihi sa gilid, naipit sa pagitan ng 2 container van!
Hindi pa masabi ng militar kung saan itatanim ni Pagadian ang nasabing bomba bago ito sumabog.