111 pagyanig, naramdaman sa Bulkang Mayon
Patuloy pa rin sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Ito ang pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) at sinabing umabot sa 111 volcanic earthquakes ang naramdaman sa nakalipas na 24 oras.
Sinabi ng Phivolcs, 122 beses na nagbuga ng mga bato ang bulkan na sinabayan ng pyroclastic density current.
Apektado rin ng lava flow ang bahagi ng Bonga Gully, gayundin din ang Mi-isi at Basud Gullies.
Babala pa ng Phivolcs, bawal pa ring pumasok sa 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) dahil sa nakaambang pagputok ng bulkan na nakataas pa rin sa Level 3 ang alert status.