Inamin ni "Black Rider" star Ruru Madrid na nagkaharap na sila ni Coco Martin, ang direktor at lead star ng "FPJ's Batang Quiapo" na makakatapat nila sa timeslot simula Nobyembre 6, gabi-gabi tuwing primetime.

Sa ibinahaging video ng GMA Public Affairs sa naganap na media conference ng serye, sinabi ni Ruru na isa si Coco sa mga tinitingala niya sa showbiz. Hindi pa man daw siya artista ay pinapanood na niya ang mga proyekto nito.

Nang magkita raw sila sa isang event, agad daw na nagpakilala si Ruru kay Coco at sinabing taga-GMA Network siya.

Hindi raw makakalimutan ng Kapuso actor ang sinabi sa kaniya nito.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

"Sir Coco, ako po si Ruru Madrid, galing po ako sa GMA, isang malaking karangalan po na makilala kita," sabi raw ni Ruru.

Sagot daw sa kaniya ni Coco, "Ano ka ba, ako nga dapat magsabi niyan, malaking karangalan na makilala kita, pinapanood kita sa GMA, nakikita ko 'yong mga ginagawa mo, 'yong efforts mo, sabi niya 'Pagpatuloy mo lang 'yan, totoo nga niyan naghahanda na kami eh,' gumanon siya, tapos yumakap po siya nang mahigpit sinabi niya sa 'kin, 'Pagpatuloy mo lang 'yan nakikita ko 'yong pagiging makatao mo. Ituloy mo lang 'yan."

"Sobrang na-appreciate ko po 'yon dahil isa po siya sa mga tinitingala kong mga artista sa industriya po natin."

Hindi ito ang unang beses na magkakatapat sina Coco at Ruru.

Matatandaang nagkatapat na rin ang noo'y FPJ's Ang Probinsyano ni Coco at "Lolong" na pinagbidahan din ni Ruru.

MAKI-BALITA: #LolongDaks, sinakmal nga ba si Cardo Dalisay? Ruru, napa-react