Hinihimok ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na imbestigahan ang TV show at network kung saan sinambit umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang "pagbabanta" sa kaniya.

Naganap ito matapos niyang magsampa ng pormal na kaso laban sa dating pangulo matapos nitong magbitiw umano ng pagbabanta sa kaniya sa programa nitong "Gikan sa Masa, Para sa Masa" na umeere sa Sonshine Media Network Inc. (SMNI).

“Pero ang una mong target sa intelligence fund mo, ‘kayo, ikaw, France (Castro), kayong mga komunista ang gusto kong patayin,” ani Duterte kamakailan.

Ayon sa ulat ng CNN Philippines, sinabi ni Castro na balak niyang maghain ng reklamo sa MTRCB at Kapisanan ng mga Brodkasters sa Pilipinas (KBP) patungkol dito.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

"Ito nag-aadvocate ng violence, hindi n'yo ba 'to iimbestigahan MTRCB at KBP? Baka mag-file kami ng complaint sa MTRCB at KBP," pahayag umano ni Castro sa isang panayam noong Miyerkules, Oktubre 25.

Oktubre 24 nang maghain ng kaso laban kay Duterte si Castro.

Samantala, wala pang reaksiyon o pahayag ang pamunuan ng MTRCB at KBP tungkol dito.

MAKI-BALITA: Rep. Castro, kinasuhan si ex-Pres. Duterte

MAKI-BALITA: Rep. Duterte sa pagkaso ni Castro sa kaniyang ama: ‘Huwag balat-sibuyas’

MAKI-BALITA: Castro sa patutsada ni Rep. Duterte: ‘Ba’t parang ako pa may kasalanan?’