Ipinaliwanag ni Ambet Nabus sa isang episode ng Marites University nitong Biyernes, Oktubre 27, ang posibilidad na maging top-grosser film sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 ang “Penduko” ni Matteo Guidicelli na idinirek ni John Paul Laxamana.

Matatandaang pinangalanan na kamakailan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang sampung pelikula na kalahok sa nasabing film festival.

MAKI-BALITA: Official entry ng mga pelikula sa MMFF 2023, pinangalanan na

Ayon kay Ambet, pambagets daw kasi ang appeal ng “Penduko” at may elemento pa ng mga kagilala-gilalas na nilalang mula sa mitolohiyang Pilipino gaya ng mananambal, aswang, tikbalang, at iba pa.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Nag-e-expect sila…na mage-gain nila ‘yung market ng mga bata. Di ba ‘pag bata naman ‘pag nanonood, kasama ang nanay, ang tatay, ang yaya, o kung sino pa,” saad ni Ambet.

Dagdag pa niya, kung sakali mang palarin si Matteo, ito ang kauna-unahang pelikula na gagampanan niya kung saan siya talaga ang bida. 

Bukod kay Matteo, makakasama rin sa “Penduko” ang aktor na si Albert Martinez.

Matatandaang noong Setyembre ay ipinasilip niya ang looks ng karakter na gagampanan niya sa nasabing pelikula.

MAKI-BALITA: Albert Martinez, ipinasilip na ang ‘looks’ ng karakter na gagampanan sa bagong pelikula