Tiniyak ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, na magkakaroon ng patas na imbestigasyon sa kaso ng pagkawala ni Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon kamakailan sa gitna ng umano'y pagkakadawit ng isang pulis sa kaso.
"In the event that all the evidence gathered points to the subject police officer’s possible involvement, we assure the public of a fair, proper and impartial investigation,” pahayag ni Abalos sa panayam sa telebisyon.
Huling nakita si Camilon sa isang mall sa Lemery sa Batangas noong Oktubre 12.
National
Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol
“Hindi po namin kukunsintihin o pagtatakpan ang maling gawain ng sinumang miyembro ng PNP,” aniya.
Nauna nang inihayag ng Police Regional Office (PRO) 4A na sinibak na muna nila sa puwesto ang naturang pulis habang isinasagawa ang imbestigasyon sa kaso.