National
OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto
Papalitan ni dating Meralco Bolts import Tony Bishop si Justin Brownlee bilang import ng Ginebra sa nalalapit na PBA Commissioner's Cup.
Ito ang isinapubliko ni Gin Kings head coach Tim Cone matapos kapanayamin sa Sports Desk ng CNN Philippines nitong Biyernes ng gabi.
“We’re bringing in Tony Bishop, the ex-Meralco import that we played against in the Finals a couple of years ago,” paglalahad ni Cone.
Matatandaang nagkukumahog ang Ginebra na maghanap ng panibagong import dahil nahaharap sa suspensyon si Brownlee matapos bumagsak sa drug test sa nakaraang 19th Asian Games sa Hangzhou, China.
Aminado si Cone na masuwerte pa sila dahil nakuha pa nila si Bishop na papunta na sana sa Mexico upang maging import.
"We were fortunate. He was just about ready to go to Mexico to be an import, but we caught him just in time and we got him to come on over for us," sabi pa ni Cone.
Si Bishop ay naging susi ng Meralco upang makapasok sa 2021-2022 Governor's Cup finals.
Gayunman, ipinahiya ito ni Brownlee nang kamkamin ng Ginebra ang kampeonato.