National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Muling nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) laban sa fake news kaugnay sa mga programa ng ahensya.

Sinabi ni DSWD Assistant Secretary for Strategic Communications Romel Lopez na sa panahon ngayon, mas magiging talamak ang pagkalat ng mga maling impormasyon sa social media.

"Kilatising mabuti at i-verify muna ang ating mga nababasa online," ani Lopez.

Inihalimbawa ng opisyal ang isang Facebook post ng "DSWD educational cash assistance" na nagsasabing maagang namimigay ng noche buena package ang ahensya.

Sa nasabing social media post, hinihikayat ang publiko na i-click lamang ang isang link upang mairehistro at magiging benepisyaryo ng programa.

"Huwag basta-basta maniwala sa mga content na hindi nanggaling sa credible at reliable source. Sama-sama tayo sa paglaban sa mga maling impormasyon dahil sa DSWD, bawal ang fake news," dagdag pa ng opisyal.