Walang paligoy-ligoy na tinanong ni Anthony Taberna o “Ka Tunying” ang social media personality na si Rendon Labador kung may balak daw ba itong maging politiko lalo’t maingay ngayon ang pangalan nito sa social media.

Sa panayam ni Labador sa “Tune In Kay Tunying Live” nitong Huwebes, Oktubre 26, diretsahan siyang tinanong ni Taberna.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

“Teka muna, magpopolitiko ka rin ba?” tanong ng mamamahayag. “Baka makita ko kumakandidato kang senador ah.”

“Wala pa. Hindi ko sinasara yung option na yan pero wala pa sa isip yan sa ngayon,” sagot naman ni Labador.

Bago ito, unang natalakay sa panayam ng social media personality ang tungkol sa kontrobersyal na paglilive stream nito sa ginawang raid ng PNP Anti-Cybercrime kamakailan.

Matatandaang nakipag-collab umano sa kaniya ang PNP Anti-Cybercrime Group noong Oktubre 17.

Maki-Balita: Rendon Labador, nakipag-collab sa PNP Anti-Cybercrime Group

Samantala, ibinahagi ni Labador sa parehong panayam kung sino nga ba siya bago umingay ang pangalan niya social media.

“Anak po ako ng general. Pinalaki talaga kami ng military discipline. Syempre kapag anak ka ng general, mataas yung expectation sa’yo. So, ayun yung ginawa sa amin tapos hilig ko lang kasi noon nagi-gym lang ako, happy go lucky, so minamaliit kami,” kuwento niya.

“Ang sabi sa akin ni erpat, ‘kaya ka lang kinakaibigan ng mga kaibigan mo ngayon dahil general ako. Ikaw, wala kang kwenta. Who you ka. Kapag ako nag-retire or nawala na ako, wala nang papansin sa’yo. Pinapansin ka lang ng tao dahil may makukuha sila sa’yo.’ So, nung sinabi sa akin ng erpats ko yun. Napaisip ako. Bata pa lang ako nagising ako sa katotohanan. So, doon ako nagsimulang mangarap,” dagdag pa niya.

Hindi rin daw niya hahayaan na maging “nobody siya.” Gusto rin niyang ibahagi sa mga kabataan yung pagpapalaki sa kaniya ng mga magulang niya.

Taong 2014 daw sa kasagsagan ng pagsikat ng Facebook, doon niya sinimulang mag-motivate ng mga tao.

Makalipas ang halos isang dekada, umingay ang pangalan ni Labador sa social media.