Sisimulan nang ipatupad sa lungsod ng Maynila ngayong weekend ang liquor ban upang matiyak na magiging mapayapa ang pagdaraos ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at Undas.

Nabatid na nilagdaan na ni Manila Mayor Honey Lacuña-Pangan ang Executive Order No. 34 na nagpapatupad ng liquor ban sa lungsod mula Oktubre 29 hanggang sa Nobyembre 2, 2023.

 "BREAKING: Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan signed Executive Order No. 34 implementing Liquor Ban from October 29 until November 2, 2023," anunsiyo ng Manila Public Information Office, na pinamumunuan ni Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Lacuna, nitong Huwebes.

Anito pa, "This is for the orderly conduct of the upcoming Barangay and Sangguniang Kabataan Elections on October 30, and the peaceful celebration of All Saint's Day and All Souls' Day on November 1 and 2, 2023."

"It is necessary to prohibit the sale of liquor and other alcoholic beverages in Manila City taking into consideration the somberness of these occasions and in light of the opening of all cemeteries to the general public, not just to Manileños," nakasaad sa naturang kautusan.

Inaatasan din naman ng alkalde ang pamunuan ng Manila District Police (MPD) na istriktong ipatupad ang direktiba.