Tila very supportive at hands on si Batangas Vice Governor Mark Leviste sa mga kaganapan ng aktres na si Kris Aquino dahil naging cameraman pa siya sa pagkikita ng huli at ni Boy Abunda sa Estados Unidos.
Mukhang may pasabog interview kasi sina Kris at Boy dahil shinare ng una sa kaniyang Instagram post nitong Biyernes na humingi siya ng paumanhin sa batikang mamamahayag na si Jessica Soho na nasa US din ngayon at nagtatanong kung puwede raw ba siyang ma-interview.
“And with my sincerest apology to @km_jessica_soho who is also in town, and had asked if it was possible to give her an interview- it was all impromptu using just my iPhone with @markleviste being our cameraman & bimb asking the questions,” anang Queen of All Media.
“Boy never asked for anything pero sa laki ng utang na loob namin sa kanya, (the entire time he managed me for my endorsements as long as it was with my sons his commission was only from my 50%, buong buo for my 2 yung talent fee- lugi nga ako kasi yung 32-35% na tax sagot ko, bilin yun ng mom) binigay ko ng buong buo yung medyo naputol ng ilang beses na footage,” dagdag pa niya.
Biro pa ni Kris, hindi raw nila puwedeng pagalitan si Mark dahil hindi naman daw ito DOP (Director of Photography). Sumunod ay nagpasalamat siya sa mga Batangueño sa pagpapahiram sa kanilang vice governor.
“Hindi namin pwedeng pagalitan dahil hindi naman sya DOP. Maraming salamat sa mga Batangueño sa pagpapahiram ng inyong vice governor. But in a few days babalik na sya sa 🇵🇭 at sa Pasko, kasama ng 3 anak nya na kaming lahat magsasama. (Christmas is also his birthday.)”
Mukhang tuloy-tuloy na nga ang “harmonious at supportive relationship” nina Kris at Mark dahil matatandaang present din siya nang dumalaw ang Kapamilya star na si Kim Chiu kay Kris.
Maki-Balita: Kris Aquino at Mark Leviste, ‘nagkabalikan’