‘Avisala Flamarra, Adamus, at Deia!’

Ipinakilala na sina Faith Da Silva, Kelvin Miranda, at Angel Guardian bilang mga bagong sang’gre at mga tagapangalaga ng mga brilyante sa sequel ng fantasy-magical series ng GMA Network na “Encantadia” nitong Biyernes, Oktubre 27.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Bago sila ipakilala, nauna nang ipinakilala ang Kapuso actress na si Bianca Umali bilang si “Terra,” na bagong tagapangalaga ng brilyante ng lupa, na tagapagmana ni Sang’gre Danaya.

Maki-Balita: ‘Avisala, Terra!’ Bianca Umali, pasok bilang bagong sang’gre

Gagampanan ni Faith si “Flamarra,” ang anak ni Sang’gre Pirena at ng Punjabwe na si Azulan, na magiging tagapangalaga ng brilyante ng apoy. Si Kelvin bilang “Adamus,” anak ni Sang’gre Alena, ang siyang magiging bagong tagapangalaga ng brilyante ng tubig. At ang huli si Angel bilang si “Deia” na siyang mangangalaga sa brilyante ng hangin.

Sa kanilang panayam sa 24 Oras, nagsisimula na rin maghanda ang mga bagong sang’gre kabilang na rito ang pag-aaral ng lenggwaheng lenggwaheng Enchan ng mga taga-Encantadia.

Ang naturang sequel ay may pamagat na “Sang’gre: Encantadia Chronicles.”