Hinimok ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mga mamamayan na magtulungang panatilihing maayos at payapa ang paggunita sa mga yumaong mahal sa buhay sa Undas.

Ayon kay Palma, dapat bigyang-galang ang mga yumao at ipanalangin ang kapayapaan ng kanilang mga kaluluwa.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

"Observe proper respect sa mga nakahimlay sa mga sementeryo," mensahe pa niya na ipinahatid sa pamamagitan ng church-run Radyo Veritas.

"Let us keep peace and order, stay prayerful but nothing harmful," dagdag pa niya.

Una naman nang tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang pagbabantay sa seguridad ng mga mamamayan lalo't kasabay ng Undas, ang long weekend.

Mahigit sa 27,000 police personnel ang ipinakalat ng PNP sa buong bansa para tiyakin ang kaligtasan at kaayusan ng pamayanan.

Bukod pa anila ito sa halos 200,000 itinalaga sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na idaraos naman sa October 30.

Naglabas naman ang mga simbahan ng kopya ng panalangin na maaaring gamitin ng mga kaanak sa pagdarasal sa kanilang pagdalaw sa mga sementeryo tulad ng ipinamahagi ng Archdiocese of Manila sa pamamagitan ng RCAM Liturgical Affairs.