Puwede nang pauwiin sa bansa ang mga convicted Pinoy sa United Kingdom (UK) upang pagdusahan ang kanilang sentensya.

Ito ang pahayag ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla kasunod ng pinirmahan niyang  PH-UK Treaty on the Transfer of Sentenced Persons nitong Huwebes, kasama si UK Ambassador to the Philippines Laure Beaufils.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Binanggit ni Remulla, ang pinirmahan na kasunduan ay may kaugnayan sa PH-UK Extradition Treaty at sa PH-UK Mutual Legal Assistance in Criminal Matters Treaty na pinagtibay noong 2009 sa London.

“The agreement, aligning with international standards, offers a framework where individuals sentenced in one Contracting State can opt to serve their sentences in their native country," anang kalihim.

"The underlying rationale is that being closer to family, friends and familiar culture can better facilitate the rehabilitation of the sentenced individuals," dagdag pa ni Remulla.

Matatandaang pinangunahan ng DOJ ang pagtalakay sa nasabing kasunduan sa Maynila noong Hulyo 25-16, 2023, sa pamamagitan ng Legal Staff (Office of the Chief State Counsel) nito kasunod na rin ng inilabas na Special Authority ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong Hulyo 21 na nagtatalaga kay Chief State Counsel Dennis Arvin Chan bilang chief negotiating panel.

Pinangunahan naman ni Foreign National Office Police manager Sarah Wilson ang Ministry of Justice ng UK. 

PNA