Bilang pagpapakita ng labis na pasasalamat sa patuloy na pagtangkilik ng publiko sa lotto games, sa nakalipas na 89 na taon, itatakda ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa ₱89 milyon ang minimum jackpot prizes para sa lahat ng kanilang major lotto games simula ngayong Lunes, Oktubre 30.
“As a way of showing its appreciation to the continued patronage of the public for the past 89 years, the Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) will set the minimum jackpot prizes for all its major lotto games to a whopping P 89 million on Monday, Oct. 30, 2023," anang PCSO, sa isang pahayag nitong Huwebes.
Anang PCSO, ang naturang minimum prize na ₱89 milyon ay inisyal munang aplikable sa Mega Lotto 6/45 at Grand Lotto 6/55, na siyang mga palarong bobolahin sa Lunes.
Sakali umanong walang manalo sa lotto sa Monday draw, ang premyo ay i-aaplay sa Ultra Lotto 6/58 na binobola tuwing Martes, Biyernes, at Linggo; SuperLotto 6/49 na binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo at sa Lotto 6/42 na draw naman tuwing Martes, Huwebes at Sabado.
Magpapatuloy rin anila ang pagtaas ng naturang premyo hanggang sa may palaring manalo ng jackpot.
Ayon kay PCSO General Manager Melquiades Robles, nais ng ahensiya na ipakita ang pasasalamat nila sa kanilang mga parokyano dahil sa kanilang patuloy na pagsuporta sa mga palaro at serbisyo ng PCSO.
"The support you give to our products and services, especially Lotto, enables us to help thousands of our indigent kababayans who are in need of medical, educational or financial assistance from the national government. For this, we are extremely grateful," ani Robles.
Ang PCSO, bilang charity arm ng national government, ay naatasang lumikom ng pondo para sa iba’t ibang charitable programs ng pamahalaan, sa pamamagitan ng pagpapasilidad ng mga lotteries, scratch-it, at iba pang numbers games.
"Eighty-nine years of service is already remarkable, but my wish is for the PCSO to last longer and be able to help more Filipinos," dagdag pa ni Robles. "Again, thank you for your unwavering support and long live the PCSO!"