Bibisita sa Pilipinas si Rod Stewart, ang legendary at two-time Rock & Roll Hall of Fame inductee, para sa kaniyang “Live in Concert, One Last Time" sa susunod na taon.

Inanunsyo ito ng Live Nation Philippines (LNPH) nitong Miyerkules, Oktubre 25, sa pamamagitan ng isang Facebook post.

“Legendary, two-time Rock & Roll Hall of Fame inductee, Rod Stewart is coming to Manila! 🎸,” saad ng LNPH.

Ayon sa LNPH, nakatakdang mangyari ang concert ni Rod sa darating na Marso 13, 2024 sa SM Mall of Asia Arena.

National

Taga-Lanao del Norte, wagi ng ₱37.4M jackpot prize sa SuperLotto 6/49

Inihayag din ng LNPH na magaganap ang fanclub presale sa Nobyembre 15, mula 10:00 ng umaga hanggang 11:59 ng gabi; ang LNPH presale sa Nobyembre 16, mula 10:00 ng umaga hanggang 11:59 ng gabi; at ang general onsale sa Nobyembre 17, dakong 12:00 ng tanghali.

Available din umano ang VIP Package sa livenation.asia/vip.

Kilala si Rod sa kaniyang hit songs, kabilang na ang “I Don’t Wanna Talk About It,” “Maggie May,” “You’re in My Heart,” “Some Guys Have All the Luck,” at “Rhythm of My Heart.”