Nananatiling solid Kapamilya ang "The Iron Heart" star na si Richard Gutierrez matapos niyang muling pumirma ng exclusive contract sa ABS-CBN gayundin sa Star Magic, ang talent arm management ng network.

Dinaluhan ang contract signing ng ABS-CBN executives sa pangunguna nina ABS-CBN Chairman Mark Lopez, President and CEO Carlo Katigbak, at COO for Broadcast Cory Vidanes.

Kabilang din sa dumalo si Star Magic head Direk Laurenti Dyogi at ang nanay ni Richard na si Annabelle Rama na siya ring tumatayong manager ng aktor.

"ABS-CBN is not just surviving, but we are actually thriving. Lahat ng mga ibinato sa network, tinatanggap nila, and they were able to pivot successfully, and until today, we are still giving world-class shows to Filipinos all over the world and that's why I’m here as a Kapamilya and I'm proud to be a Kapamilya," aniya.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Matapos ang contract signing ay dumiretso na sa press conference si Richard at sinagot ang tanong ng media people.

Paliwanag ni Richard, sa kabila raw ng kawalan ng prangkisa ng Kapamilya Network ay napanatili nito ang quality sa mga show at proyekto na ginagawa nila, at hindi nakakampante o nagse-settle for less. Ganoon daw ang nais niyang working environment.

Isa sa mga natanong sa kaniya ay kung sino-sino sa Kapamilya stars ang bet niyang makatrabaho.

Lahat naman daw ay gusto niyang makatrabaho, subalit nabanggit niya ang award-winning actress na si Jodi Sta. Maria.

Nais din umano niyang makatrabaho ulit sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na nauna na niyang nakasama sa "La Luna Sangre."

Pasok din sa nais niyang makatrabaho ang DonBelle o sina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Aminado si Richard na sa dalawang taon niyang pagiging bahagi ng "FPJ's Ang Probinsyano" ay na-inspire siya sa ipinakitang kasipagan at passion ng direktor at lead star nitong si Coco Martin.

At sa tinatahak ng karera ngayon ni Richard, mas asahan pa ang mga action series na mas ilelevel up pa raw niya, kumpara sa mga nakita at napanood na sa katatapos na serye.

MAKI-BALITA: ‘ABS-CBN is not just surviving but actually thriving!’ Richard Gutierrez, Kapamilya pa rin