Pinusuan ng mga kapwa netizen ang inspiring Facebook post ng content creator at event host na si “Grace Rubis” matapos niyang ibahagi ang ilang detalye tungkol sa kaniya noon.

Aniya sa kaniyang post, dati raw ay takot siyang pumasok sa Starbucks.

Pero nabago na raw ang pakiramdam niya ngayon sa tuwing pumapasok at bumibili sa coffee shop na ito.

"Dati takot akong pumasok dito..."

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

"Dropped by at Starbucks before heading to the wedding I was going to host and then I realized na dati takot akong pumasok dito, o kaya dapat may kashare ako 😅."

"One time pa nga, ung workmate ko na dormmate ko din before, sabi sakin magjogging daw kami ng 5am. Yung di bumangon, manlilibre ng SB! Edi ayun nagjogging kami 😂😂😂."

Para kay Grace, isa itong "small win" hindi lamang niya kundi ng mga katulad niyang nakararanas na rin ng mga ganito.

"But I just want to appreciate this moment na I can confidently walk into SB and not be scared na magkukulang yung pera ko. And no, I don't do this everyday, 3-in-1 Meadows ang daily coffee ko, but on special event hosting days like this, I just want to take a moment and celebrate the great life that God has given me."

Kaya aniya, "I hope you too, would pause and celebrate your small wins. Let's acknowledge the fact that malayo pa pero malayo na talaga ✨ ."

Si Grace ay minsan na ring naitampok sa Balita dahil naman sa kaniyang post tungkol sa "petsa de peligro."

MAKI-BALITA: ‘Di na petsa de peligro!’ Hugot ng netizen matapos mag-withdraw ng pera, pinusuan

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!