Pasabog ang naging rebelasyon ni DJ Jhai Ho hinggil sa sigalot sa pagitan nina Ricci Rivero at Bea Borres dahil sa kaibigan ng huli na si Andrea Brillantes, na ex-jowa naman ng una.

Matatandaang natsika na rin ni Jhai Ho ang pagkonsulta umano ni Bea sa isang abogado kung dapat bang kasuhan si Ricci nang mag-name drop daw ito ng pangalan at mag-react sa kaniyang X post na wala namang pinangalanan.

Natrigger umano si Bea matapos sabihin ni Ricci ang salitang "pangangabit."

Sa isang ipinadalang personal na mensahe ay binasa ni DJ Jhai Ho ang sagot ni Ricci sa lahat ng isyu.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

Ayon kay Ricci, hindi totoong third party ang kasalukuyan niyang girlfriend na si Leren Mae Bautista, dahil nagkakilala raw sila bandang Mayo 26 ngayong taon.

Bago ang nabanggit na petsa ay nagkakalabuan na raw sila ni Blythe, at Mayo 6 nga raw nang sabihin ng aktres na tapos na sila.

Naikuwento pa ni Ricci na may pagkakataong nagsadya pa raw si Andrea nang madaling-araw sa kaniyang condo unit para makipagbalikan, subalit mas pinili na raw niyang huwag na.

"Nakilala ko si Leren, May 26... and alam nilang mag-bestfriend (Bea Borres) na wala na kami that time (Andrea). We broke up a couple of times early this year kaya magulo na talaga. Nakikipagbalikan siya, and 'yong last time na May 6 sinabi niya na wala na, end na, because of the girl na alam naman niya na kasama ng friend ko na pumunta doon (sa condo niya)."

"So paano ang overlap doon? Hindi naman ako nagsasalita noong may mga nakakasama at nakakausap din sila sa bars... pumupunta siya ng condo ko, madaling-araw, ilang beses, for what? Para makipagbalikan? Nag-yes ba ako? Hindi..." anang Ricci.

Nakiusap daw si Andrea na huwag munang sasabihin sa publiko na wala na sila dahil baka masira daw ang image nito, subalit nang hindi raw siya pumayag sa pakikipagbalikan, bakit daw siya na ang tila "bad person" at nasiraan siya sa mata ng publiko?

Tiniis daw ni Ricci ang mga gawa-gawang paninira patungkol sa "laundry," "mga gamit sa bahay," at iba pa. Sumosobra na raw kasi kaya nagsalita na ang basketball player.

Tiniis din umano ni Ricci ang mga parinig post ni Blythe tungkol sa kaniya.

Matatandaang si Ricci ang iniisip ng mga netizen sa ex-boyfriend na sinabihan ni Andrea na hindi nagpapa-laundry ng mga damit sa loob ng isang taon, kahit na wala namang binanggit na pangalan ang aktres.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Andrea tungkol dito.

MAKI-BALITA: Ricci ibinunyag relasyon nila ni Leren Mae: ‘Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya’

MAKI-BALITA: Ricci, pinatulan si Bea: ‘Tara sabihan tayo kung sino talaga kumakabit?’

MAKI-BALITA: Ricci Rivero sa pagpalag kay Bea Borres: ‘Sumusobra na sila’

MAKI-BALITA: Bea Borres, sasampahan ng kaso si Ricci Rivero?