Pumirma ulit ng exclusive contract si "The Iron Heart" star Richard Gutierrez sa ABS-CBN kaya mananatili siyang isang certified Kapamilya.
Dinaluhan ang contract signing ng ABS-CBN executives sa pangunguna nina ABS-CBN Chairman Mark Lopez, President and CEO Carlo Katigbak, at COO for Broadcast Cory Vidanes.
Kabilang din sa dumalo si Star Magic head Direk Laurenti Dyogi at ang nanay ni Richard na si Annabelle Rama.
Sinabi ni Gutierrez na kaya siya nananatili bilang Kapamilya ay dahil sa world class shows na kayang ibigay ng Kapamilya Network sa kabila ng kawalan nito ng prangkisa.
"ABS-CBN is not just surviving, but we are actually thriving. Lahat ng mga ibinato sa network, tinatanggap nila, and they were able to pivot successfully, and until today, we are still giving world-class shows to Filipinos all over the world and that's why I’m here as a Kapamilya and I'm proud to be a Kapamilya," aniya.
Bago ang The Iron Heart ay naging bahagi muna si Chard ng "La Luna Sangre" at "FPJ's Ang Probinsyano." Nakagawa na rin siya ng pelikula sa ilalim ng Star Cinema, ang "Unbreakable," na pinagbidahan nina Bea Alonzo at Angelica Panganiban.
Hindi pa inilatag ang mga proyektong nakalinya sa aktor subalit malakas ang hirit ng mga netizen na sana raw ay magka-part 3 ang nagtapos na action series, at sana raw ay isama niya ang real life partner na si Sarah Lahbati.
Samantala, ang kapatid niyang si Ruffa Gutierrez ay bahagi naman ng "Can't Buy Me Love" na unang teleserye nina Donny Pangilinan at Belle Mariano o sikat sa tambalang "DonBelle."